Sunday, August 2

1st Day Tour documentary..xD

yeah.. tapos na ang 3-day tour sa iba't-ibang museo. sa katunayan, dapat isang araw lamang ay tapos na ang tour pero dahil hindi kinaya ng aming skedyul at dahil na rin sa kulang sa oras.. ang isang araw ay naging tatlo.. sabado, martes, biyernes. sinamantala namin 'yung college week para makapunta sa mga museong ito...tunghayan natin ang mga kaganapan sa paglilibot..

sabado: july 25
dapat ay mayroong ID processing at dahil sabi nga nila ay wala, dumiretso na lamang kami sa National Museum para hindi masayang ang oras. umalis agad kami bago mag 9am kaya naman dumating kami duon bago mag10. nahati yata kami sa tatlong grupo [mga nag bus kung saan ako kasama, mga lalaki, mga nag savemore muna]. bago makarating, naglakad muna kami ng napaka-haba (yeah! as in mahaba), why? mula sa hazmin bldg, naglakad kami papuntang pureza station at tumawid kami sa kabila para sa bus papuntang lawton/city hall at sa hindi inaasahang pangyayari na dapat ay bababa kami sa PNU, bumababa kami lagpas pa sa city hall kaya naman naglakad kami pabalik at papunta na sa National Museo. pagdating namen, hindi pa bukas ang museo kaya naman hindi kami agad nakapasok sa loob. at sa loob na din namin hinintay ung iba pa naming kaklase. ang napuntahan pala namin ay ang 1st bldg. at after nun ay may kasunod pa, so aun nga..picture taking muna sa labas ng Pam. Museo bago xempre pumasok. duon namin nakita ang spoliarium ni Juan Novicio Luna, at iba panga paintings na gawa ng pambansang mga pintor na karamihan ay gawa nina Juan Luna at Felix Hidalgo. (nagmamadali na kami dahil halos lunch time na). next stop ay ang 2nd bldg ng Pam. Museo, mga ka-echosan pa rin ang nandito, nandito ang mga kagamitan sa lumubog na barko ng San Diego sa Batangas na nahukay ng National Museum. [yehey! tapos na!] Next! LAKAD papuntang Intramuros... imgagine lang mula national museum to intra @2pm tapoz wala pa kaming lunch, lakad lakad lakad, bago pumasok at hanggang sa loob, picture paden.. lakad uli, then huminto kami para maglunch sa kainan sa loob ng intra, xempre picture ulii [mei stolen pa sila]..after that lakad uli, 1st stop... CASA MANILA, "xet! anung meron dito? parang pinakita lang naman ang bahay nuong panahon ng kastila? kahit 5 minuto kayang libutin.. sayang ang 50 pesos..tsk!" see? sa sinabing kong ito nai-magine niyo na siguro..hmm paglabas at habang naghihintay para sa iba na makalabas sa casa manila ...picture ulii. at ako na mahilig sa stolen shot, sige lang ako ng kuha sa kanilang mga ngiti (kxe nakikita nila ung cam ko nakatapat sa kanila), katapat lang nito at SAN AGUSTIN CHURCH kaya ito ang 2nd stop "sana" dahil yung iba ay hindi na pumasok, wala kasi sa budget.. dahil nga nagmamadali na rin kami dahil ang fort santiago any magsasara ng 4pm. tumuloy na sa loob ang iba at iba naman ay dumiretso na sa fort S...ang interesting lang naman sa san agustin church ay ang libingan, the rest.. hindi ko na pinansin. 10 minz before 4pm (o diba! tanda ko pa?!), nakapasok na kami sa FORT SANTIAGO picture picture xempre bago pumasok. hanggang paglabas at sa pagpapahinga na lamang...hinanap namin ung underground tunnel churva pero nung pinasok namen yun, isang square at madilim na kwarto lamang ang nandun..tsk! halos nalibot din namen ung fort santiago, nainis pa nga si Celyn dahil 'pag cellphone na niya ung ginagamit para magpicture biglang nagaayawan.. pero masaya! thankful talaga ako kasi that week super lungkot ko..ewan ko kung bakit pero dahil sa tour na toh! kahit sakit sa paa ang inabot namin pare-pareho, iba talaga!


yun oh!


Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home